Heart Evangelista binash sa papuri sa cancer patient

Heart Evangelista cancer patientPinuri ni Heart Evangelista sa Twitter ang isang bone cancer patient sa pagiging optimistic nito sa kabila ng community quarantine dahil sa pandemic coronavirus.

Dahil sa nasabing quarantine, walang public transportation ang bumibiyahe ngunit ilang tao pa rin ang kailangan pumasok sa trabaho at gawin ang iba nilang gawain.

Dahil dito ay napilitan maglakad ang iba, gaya na lamang ng bone cancer patient na si Cynthia Esperitu, para sa kanyang scheduled check up sa hospital, kahit nahihirapan na itong maglakad.

“Dearest Cynthia, thank you for inspiring others to smile and stay positive… God bless you and your friend,” caption ng retweet ni Heart sa news video ni Cynthia.

Umani ng batikos ang tweet ni Heart dahil umano sa pag-romanticize nito sa paghihirap ni Cynthia, at inakusang natutuwa pa sa sitwasyon nito.

Kalaunan ay humingi na rin ng tawad ang Kapuso actress sa mga na-offend sa kanyang tweet.