Inatake sa puso si Healing priest Father Fernando Suarez habang naglalaro, Martes nang tanghali.
Namatay si Suarez habang naglalaro ng tennis sa Ayala Alabang, ayon sa kanyang spokesperson.
Ang nasabing tennis game ay parte ng isang tournament na kanyang inorganiza sa loob ng 11 taon.
Naging kontrobersyal si Suarez dahil hindi siya pinayagang magmisa ng dioceses ng Cubao, Malaybalay, Malolos, at Archdioceses of Lingayen-Dagupan.