Harry Styles hinirang na ‘Consent King’

Pinuri si singer Harry Styles ng isa sa modelo nito sa kanyang ‘Watermelon Sugar’ music video.

Ang nasabing latest music video ng British singer ay napaka-up close at ‘touching.’

Sinigurado naman ni Harry na lahat ng ‘touching’ scenes ay mayroong permission ng mga modelo.

Ang theme ng music video ay warm summer sa beach, kasama ang mga modelo at si Harry.

Dalawang modelo ang nag-usap sa kanilang Instragram Live sa kanilang experience sa set.

Ayon kay Aalany McMahan, tinanong ng pop singer kung maaari pa nitong hawakan ang buhok nito.

“The people were telling him to touch my hair and play with it and he was like, ‘Wait, wait, wait, pause — can I even touch your hair? Is that even okay?’” kuwento ng modelo.

“And I was like, ‘Yeah, that’s so nice. That was really sweet.’ He was very huge on the consent,” dagdag pa nito.

“Consent king!” sey naman ng isang pang modelo na si Ephrata.

Hiningi din ni Aalany ang pahintulot kay Harry kung maaari niya ba itong halikan.

”They told me to kiss him, and “I felt like I had to ask, too. I was like, ‘Are you sure?’ and he was like, ‘Yes, go ahead!’”

Umabot na sa 13.6 million views ang nasabing music video matapos itong i-release nitong Lunes, May 18.