Harrison Plaza nagsarado na

Harrison PlazaAng kauna-unahang one-stop shopping mall ng Pilipinas na Harrison Plaza ay magsasarado na ngayong araw, Martes, December 31, matapos ang 43 taon.

Kinumpirma ito ng manager ng Harrison Plaza na si Erik Martel.

Ang Harrison Plaza ay matatagpuan sa Harrison Avenue, Malate malapit sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Itinayo ito noong 1976 at ang kauna-unahang modern air-conditioned shopping mall sa bansa.