Hagibis Sonny Parsons inatake sa puso

Sonny Parsons HagibisNamayapa na si Hagibis band member Sonny Parsons nang atakahin sa puso habang nagda-drive ng motorsiklo sa Lemery, Batangas nitong Linggo ng tanghali.

Pauwi umano ito sa Quezon province at nagmamaneho na ng mahigit limang oras ng mangyari ang insidente.

Nagbigay naman ng tribute ang ilang personalidad sa kanyang pagyao.

“Ride free, Sonny Parsons. We had good, and bad times. Salamat sa mga alaala, lakay. You will be missed. So sad,” post ni VST & Co. band member Male Rigor sa kanyang Facebook.

Sumikat si Parson bilang bokalista ng 80s disco band Hagibis.

Namatay ito sa edad na 61.