Natapos na rin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Kris Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ang magkapatid ay napag-alamang matagal nang hindi nag-uusap.
Pero sa unang pagkakataon ay muling nag-krus ang landas ng magkalatid nang magkita sila sa kasal ng kanilang pamangkin.
Ang tagpo ay ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram post.
Ibinida ni Kris sa kanyang IG na nabuo na silang muli na magkakapatid dahil siya na ang unang lumapit at nakipagbati sa kanyang Kuya Noy sa kasal ng kanilang inaanak sa binyag/pamangkin na si Nina Abellada nitong Pebrero 22 sa Shangri-La BGC.
Ani Kris nangyari ang pagbabati sa “peace be with you” sa misa.
Bilang kapatid ay siya na raw ang lumapit at sobrang natuwa si Joshua, na kilalang malapit sa kanyang Tito Noy.
Ninerbiyos naman daw si Bimby sa nangyari.
“Pareho naming inaanak si nina sa binyag… ako ang nakababata, kaya nung “peace be with you” ako ang lumapit… ninerbyos ang aking bunso, si kuya sobrang na happy hindi pinilit, pero answered prayer para sa mga sisters namin.
In God’s time, nabuo kaming muli… ito po ang totoong #pamilya,” tsika ni Kris sa IG.