Gretchen, Atong pic holding hands pala habang tulog

Gretchen Barretto & Atong Ang
Gretchen Barretto & Atong Ang (IG)

Isang larawan na magkasama ang aktres na si Gretchen Barretto at gambling operator na si Atong Ang ang kumalat sa social media ngayong araw.

Mukhang kuha sa eroplano ang larawan kung saan ay tulog ang dalawa pero magkahawak kamay.

Inintriga ang nasabing larawan dahil nauna nang nilinaw ni Atong Ang na wala silang relasyon ni Greta.

Depensa ni Ang kasosyo niya sa negosyo si Gretchen at long time partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Wala pang reaksyon ang dalawang nasa larawan sa nasabing sweet post.