Ginulantang ng aktres na si Gretchen Barretto ang netizens na nakaabang ng kanyang mga pasabog sa away sa kapatid na si Marjorie sa isa nitong post sa Instagram.
Imbes na hanash sa awayan sa ilang miyembro ng pamilya ang mabasa ng netizen sa IG story ng aktres ay video ni Gretchen habang nakikipaglaro sa kanyang aso ang bumungad at may ganitong caption.
“Just what I need a whole lot of love. My little one @dominique asked me to fly to San Francisco for her to feed me, she says she won’t let me go home until i gain back some weight….”
Bago umalis ng bansa ay nasangkot ang aktres sa malaking gulo kasabay ng burol ng kanilang amang si Miguel Barretto.