Green Day, Avril Lavigne kanselado ang Manila concerts

Avril Lavigne Manila concert cancelledIlang music artists ang nagkansela ng kanilang Asian concerts dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Una nang nag-anunsiyo ang Green Day sa pagkansela ng kanilang upcoming shows sa Asia.

“We have unfortunately made the difficult decision to postpone our upcoming shows in Asia due to the health + travel concerns with coronavirus,” tweet ng Green Day nitong Martes ng gabi.

“We know it sucks, as we were looking forward to seeing you all, but hold on to your tickets we’ll be announcing the new dates very soon.”

Ilan sa dapat nilang pupuntahan ay Bangkok, Manila, Seoul at Osaka at ilan pang siyudad.

Nagkansela rin si Avril Lavigne ng kanyang Asian tour dahil sa coronavirus.

Ang Canadian-French singer ay nakatakdang babalik sa Manila sa May 20, 2020 sa Araneta Coliseum.

“I am so sad to announce that we are unable to tour the Asian markets due to the continuous outbreak of the coronavirus. My band, crew and I have been working so hard to bring this tour worldwide and are completely bummed out,” tweet ng singer.