Grammys Dress ni Lana Del Rey binili sa mall

Inamin ni Lana Del Rey na ang kanyang dress na sinuot sa 62nd Grammy Awards ay binili lamang sa mall.

Ayon sa Album of the Year nominee, ang nasabing gown ay “last-minute’ purchase ng bumili ang kanyang boyfriend ng belt sa mall.

“I had another dress and then my boyfriend and I were getting a belt for him at the mall and I saw this and I loved it, so this is a last-minute dress. But I love it,” sey ni Lana sa interview sa kanya sa red carpet.

Ang nasabing dress ay nagkakahalaga ng $595 na design ni Aidan Mattox.