Grade 6 student nag-donate sa frontliners

Isang grade 6 student na nakilalang si ‘Sky’ ang nag-donate ng kanyang ipon para sa frontliners ng COVID-19 pandemic.

Ang kanyang ipon na P532 mula sa kanyang baon ay napili niyang ibigay sa donation drive ng lokal na pamahalaan ng Iloilo para labanan ang pagkalat ng coronavirus.

Sky Grade 6 Covid-19 donation

Sa Facebook page ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, binahagi niya ang private message ng 10-anyos na hinangaan ng maraming netizens.

Ang nasabing ipon ay ipapambili sana ni Sky ng cellphone pagka-graduate niya ngunit nakansela ito dahil sa outbreak.

Humamig na ng 11,000 reactions at 1,600 shares ang nasabing post.