Grab binigyan ng palugit para i-refund ang P5M sa mga pasahero

Sinang-ayunan ng Grab ang kautusan ng Philippine Competition Commission (PCC) na i-refund sa kanilang mga pasahero ang P5.05 milyong sobrang singil sa pasahe.

Ang kautusan ay inisyu ng PCC noong Nobyembre 14 ngayong taon kung saan ay binibigyan nito ang Grab ng 60 araw para isoli sa mga pasahero ang kanilang sobrang singil sa pasahe.

Ibig sabihin sa susunod na taon o Enero 2020 ang ibinigay na deadline sa Grab ng PCC.

Maliban sa P5.05 milyong refund ay pinagmumulta rin ng PCC ang Grab ng P23.45 milyon dahil sa hindi pagtupad sa napagkasunduang presyuhan sa pasahe.