Gown ni Lady Gaga, isinubasta ng isang hotel housekeeper

Isinubasta ang gown ni Lady Gaga na sinuot sa Golden Globes ngayon taon ng isang hotel housekeeper na nakakita sa nasabing gown sa hotel room ng singer noong araw pagkatapos ng awards night.

Diumano’y naiwan ng singer-actress ang kanyang Valentino haute couture gown sa Beverly Hilton.

Ilan buwan ding nasa lost and found ang nasabing gown, bago ibigay sa housekeeper na nakakita nito.

Saad ng housekeeper, ang gown ay nasa lost and found hanggang Setyembre, at kalaunan ay ibinigay sa kanya ng hotel bilang regalo.

Ang bidding ay matatapos sa Huwebes at ang starting bid nito ay $8,000.