Nagpasalamat si ‘Games of Thrones’ actor Miltos Yerolemou sa mga healthcare workers at staff sa The Medical City, Pasig.
Sa video na in-upload, kinuwento ni Yerolemou na ang tatay ng kanyang kaibigan ay nagkaroon ng coronavirus na na-admit sa nasabing ospital.
“His family told me of the care your team gave him and the brave work that you do for all your patients each and every day,” saad ng aktor.
Nagpasalamat ang aktor sa kontribusyon ng mga frontliners sa wikang Filipino.
“Huwag po kayong susuko. Bayani po kayong lahat. Maraming, maraming salamat po.”
Sa pagtatapos ng video, sinambit nito ang isa sa kanyang linya ng kanyang karakter, na isa sa memorable scene ng ‘Games of Thrones.’
“And remember, there is only one thing we say to the god of death — not today.”