Ikinasal na ang dating child actor na si Carl John Barrameda sa kanyang non-showbiz girlfriend nitong Sabado.
Si Carl ang kauna-unahang ‘Goin Bulilit’ alumnus na ikinasal.
Nagpakasal si Carl at kanyang girlfriend na si Nikolai Cimatu sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.
Ilan sa present sa kanilang kasal ay ang kanyang Goin Bulilit friends na sina Miles Ocampo, John Manalo, Igiboy Flores, CJ Navato at Badji Mortiz.
Na-engage ang dalawa noong Februaru 2019 sa Hong Kong, matapos ang anim na taong magkarelasyon.