GMA reporter Cesar Apolinario iginupo ng lymphoma

Cesar Apolinario
Cesar Apolinario

Halos apat na buwan lamang nakipaglaban sa sakit na lymphoma ang beteranong GMA reporter na si Cesar Apolinario.

Sa ulat ng The Varsitarian, Agosto lamang ngayong taon ng ma-diagnosed sa cancer ng lymph nodes ang 46 anyos na broadcast journalist.

Si Apolinario ay kinumpirmang sumakabilang buhay na nitong Disyembre 13, 2019.

Nagtapos ang GMA senior reporter ng communication arts degree sa UST noong 1998.

Maliban sa pagiging broadcast journalist ay sumabak din ito sa pagdidirek ng pelikula.

Kabilang dito ay ang independent films na “Banal,” “Estasyon,” “Dance of the Steel Bars” at “Puntod,”  na nanalong Indie Movie of the Year award sa PMPC Star Awards for Movies noonh 2009.