May pasabog ang Kapuso actor na si Alden Richards sa nilulutong proyekto kasama ang kasama sa shampoo commercial na si Bea Alonzo.
Sa isang panayam sa online news ay sinabi ni Alden na nagpahayag ng interes ang GMA na gumawa ng pelikula kasama si Bea.
Gayunman ayon kay Alden ay nag-uusap na ang dalawang kompanya para sa pinakaabangang proyekto nilang dalawa ng Kapamilya aktres.
Maging si Bea ay ay nagpahayag na umano ng interes sa kanilang pagsasamahang pelikula.
“So, parang she said yes, pero hindi pa po alam kung sino ang magiging producer at kung ano ang magiging istorya,” patikim ni Alden sa magiging project nila ni Bea.
Ayon kay Alden napahanga siya ng aktres dahil napakabait nito sa kabila ng kanyang tagumpay sa showbiz.
Sina Alden at Bea at nagsama sa Bangkok para sa kanilang commercial.