Globe may toll-free calls sa Bantay Bata #163

NAGSANIB-PUWERSA ang Globe at ang ABS-CBN Foundation Inc. para sa pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ng lahat ng mga batang Pinoy sa pagkakaloob ng toll-free calls sa Bantay Bata #163 helpline para sa lahat ng Globe at TM mobile phone users simula sa Nobyembre 18, 2019.

Sa paglagda sa isang memorandum of agreement kamakailan, magagawang palakasin ng dalawang partido ang pagsisikap ng Bantay Bata na pangalagaan ang disadvantaged at at-risk children sa pamamagitan ng nationwide network ng social services tulad ng rescue and rehabilitation, training and advocacy on child abuse prevention, rehabilitation of families in crisis, educational scholarships, community outreach, at medical and dental missions.

Globe, ABS-CBN

Sa pagkakaloob ng toll-free calls sa Bantay Bata #163 para sa lahat ng Globe at TM customers, mas magiging madali at ligtas ang pagre-report, pagligtas at pag-rehabilitate sa mga may sakit at inabusong bata.

Ang pag-dial sa helpline ay nangangahulugan din ng pag-asa para sa mga batang Pinoy at kanilang mga pamilya na tahimik na nagdurusa dahil sa child abuse.

Sa kasalukuyan, ang mga bata at kabataan sa Filipinas ay patuloy na nahaharap sa malalaking hamon.

Batay sa report noong nakaraang taon sa Situation Analysis of Children in the Philippines, 2 sa 3 bata ang dumanas ng physical violence, 2 sa 5 ng psychological violence, 1 sa 4 ng sexual violence, at 2 sa 3 ng peer violence.

Ang masaklap, ang karahasan laban sa mga bata ay kadalasang nagaganap sa loob ng tahanan.

“The ABS-CBN Foundation Inc. is happy to connect with Globe to help in creating swifter communication for the Bantay Bata program.

By making #163 toll-free, it will be easier for more concerned citizens to report child abuse right away.

The installation of Globe Prepaid WIFIs in all Bantay Bata regional offices will also help change the way we get updates, making it easier to coordinate in various areas and offices,” wika ni Jing Castaneda Velasco, Program Director ng Bantay Bata 163.

“Globe has been leading the Philippines to become a digital nation while building ecosystems benefiting individuals, families, and businesses. Globe Business, for instance, has revolutionized enterprises by making them digitally accessible to their customers through the toll-free #hotline solution.

Now, the same technology that we offer to companies can be used to protect Filipino children against all forms of violence,” sabi naman ni Albert de Larrazabal, Globe Chief Commercial Officer.

“We are glad to work with ABS-CBN Foundation and we are one with them in the vision to build a safe Philippines and to protect the youth by making Bantay Bata #163 accessible through our network for free.”

Ang Globe ay magkakaloob ng connectivity at communication support sa Bantay Bata Children’s Village at kanilang regional offices, tulad ng Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan at Bantay Bata Regional Offices sa Laguna, Cebu, Iloilo, Bicol, Negros, Zamboanga at Davao, kung saan dinala ang mga nasagip na Bantay Bata Hotline 163 kids.

Bukod sa Bantay Bata 163, ang Globe ay nakipagpartner din sa SAGIP Kapamilya sa paghahatid ng relief goods sa mga apektadong pamilya ng mga kalamidad.