‘Glee’ star Lea Michele kumpirmadong buntis

Lea Michele pregnantKinumpirma ni actress Lee Michele ang kanyang pagbubuntis nitong Linggo, na una nang napabalita.

Sa kanyang Instagram, binahagi nito ang kanyang baby bump habang nakasuot ng blue maxi floral dress.

“So grateful,” caption niya sa kanyang post.

Ilang celebrity friends na ang nag-congratulate sa ‘Glee’ star kasama sina Emma Roberts, Ashlet Tisdale, Maren Morris, Nikki Reed at marami pang iba.

Ikinasal si Michele kay Zandy Reich noong Marso 2019.