Naya Rivera Glee

Nawawala si actress Naya Rivera matapos itong mag-swimming sa Lake Piru, Ventura County, California.

Ayon sa report, pinaghahanap na nila ang 33-year-old American actress matapos makita ang kanyang 4-year-old son na lumulutang mag-isa sa inupahang bangka sa lake.

Mabuti naman ang kalagayan ng bata. Ayon sa anak ng aktres, nag-swimming umano ang kanyang ina ngunit hindi na nakabalik.

Bago ang kanyang pagkawala ay nakapag-post pa ito sa Instagram ng litrato nilang dalawa ng kanyang anak with caption, “Just the two of us.”

Sikat si Naya sa pagganap nito na Santana Lopez sa comedy-drama series “Glee.”