Glamorosong pet ni Heart Evangelista nag-mask na rin sa COVID-19

Prepared ang aspin pet ni Heart Evangelista na si Panda sa coronavirus outbreak.

Sa post ni Heart sa Twitter, nakasuot ng mask si Panda at may caption na ‘kaya natin to’.

Heart Evangelista pet dog

Bukod sa mask, makikita na nakasuot din ito ng scarf at pearl collar sa kanyang leeg.

Sa nakalipas na araw, isang aso sa Hong Kong ang nagpositibo sa coronavirus.

Maaaring ito ang unang human-to-animal transmission, ngunit ito ay pinag-aaralan pa.

Si Heart ay animal welfare advocate.