Glaiza de Castro nag-cover ng IU song

Nakipag-collab si singer-actress Glaiza de Castro kay South Korean music producer Hanjun para i-cover ang hit single ni IU na ‘Eight.’

“Collaborated with my friend @zillion_dollar_baby this time who made the arrangement using @ableton as his DAW,” caption ni Glaiza sa kanyang Instagram video.

Kinanta ni Glaiza ang Korean lyrics ni IU habang si Hanjun naman sa rap parts.

Ang ‘Eight’ ay collab song nina IU at BTS Suga na ni-release noong May.