Giant pancit niluto sa Isabela

Giant Pansi CabaganBilang pagbibigay pugay sa umuunlad na industriya ng ‘Pansi Cabagan’, mahigit 2,000 katao ang kumain ng higanteng pansit.

Ang Pansi Cabagan ay ang native noodles ng Cabagan, Isabela na gawa sa trigo o bigas, na simbolo ng kanilang kultura.

Pinagsaluhan nila ang giant pancit sa Cabagan Square Park kung saan nakalagay ito sa bilao na nakapormang ‘2020’ na tumutukoy sa kasalukuyang taon.

Nagtulong ang mga taga-Cabagan na iluto ang pansit gamit ang 200-kilograms ng miki, 100 kilograms ng baboy at isda, 200 piraso ng itlog ng pugo at manok, chicharon, tinapa, hipon, tuna, pusit at gulay. Naubos ang higanteng pansit ng 30 minuto lamang.