(G)I-DLE at TWICE nangibabaw sa November rankings

Ang girls group na (G)I-DLE ang nanguna sa brand reputation rankings para sa girl groups sa buwan ng November!

G(I)-DLE
G(I)-DLE

Sa inilabas na resulta ng Korean Business Research Institute na ibinase sa consumer participation, media coverage, interaction, at community indexes ng iba’t ibang girls groups sa mga datos mula October 10 to November 9, ang (G)I-DLE pa rin ang nangunguna sa naturang 9,178,585 puntos.

Noong nakaraang buwan ay sila rin ang nasa #1 slot.

Ang TWICE naman ang patuloy na may hawak ng #2 puwesto sa kanilang nakuhang total brand reputation index na 6,075,113 habang umakyat naman sa ikatlong puwesto ang MAMAMOO na nabigyan ng 5,924,282 puntos.

Kabilang sa pumasok sa Top 30 ang mga sumusunod, ayon sa pagkakaayos: (G)-IDLE, TWICE, MAMAMOO, BLACKPINK, Red Velvet, Girls’ Generation, Oh My Girl, Lovelyz, AOA, f(x), Apink, Ladie’s Code, ITZY, WJSN (Cosmic Girls), DreamCatcher, APRIL, Brown Eyed Girls, GFRIEND, MOMOLAND, GWSN, T-ara, Girl’s Day, IZ*ONE, LOONA, CLC, fromis_9, LABOUM, Weki Meki, EXID at STELLAR.