Ghostfighter Netflix

Ang sikat na anime show na ‘Ghost Fighter’ ay mapapanuod na sa Netflix! Ayon sa ‘Coming Soon’ section ng Netflix, ilalabas ang ‘Yu Yu Hakusho: Ghost Files’ seasons sa June 26.

Ang anime na adapted sa manga ni Yoshihiro Togashi ay unang inere noong 1992.

Ang kuwento ay pinagbibidahan ni Yusuke Urameshi, isang teenager na namatay sa pagtangka niyang iligtas ang buhay ng isang bata.

Binigyan siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay bilang ‘Spirit Detective.’

Mas kilala siya ng mga Pinoy bilang ‘Eugene’ nang ipalabas ito sa GMA Network.