Naaresto ng German police ang operators ng pinakamalaking darknet marketpace sa buong mundo.
Makikita sa DarkMarket ang bentahan ng droga, nakaw na credit card data at malware.
Aabot sa 500,000 users at mahigit 2,400 vendors ang gumagamit ng DarkMarket worldwide, na lubhang dumami sa mga ilegal na transaksyon na ginagawa na online dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang pulisya ng northern city of Oldenburg ang nakaaresto sa Australian operator ng pinakamalaking marketplace sa darknet, ang DarkMarket, ayon sa mga prosecutor.
Na-shutdown na ang marketplace at napatay na rin ang server nito.
Higit-kumulang na 320,000 transactions ang naganap sa nasabing marketplace, at mahigit 4,650 bitcoin at 12,800 monero ($170 million) ang kinita ng nasabing site.