Inamin ni Gerald Anderson na ‘very happy’ siya with Julia Barretto, matapos niyang i-explain ang panig sa controversial break-up kay Bea Alonzo.
Nag-break ang dalawa noong 2019, at sinabi ni Bea na bigla na lang siyang hindi kinakausap ni Gerald, or ghinost siya nito.
Si Julia, ay co-star ni Gerald sa Between Maybes movie, ay na-link at diumano ang ugat ng hiwalayan ng breakup.
Nag-deny ang dalawa tungkol sa cheating rumors at sinabing magkaibigan lang sila.
Nag-open up si Gerald sa interview niya kay Boy Abunda na inilabas sa channel ng talk show host.
Nang tanungin ni Boy kung masaya ba siya dahil kay Julia Barretto, sumagot ito ng, “Very happy.
Very happy, tito Boy, it’s a yes.” “You guys are happy?” pagdiin ni Boy.
“Sobra, tito Boy,” sagot ni Gerald, ngunit hindi naman niya hayagang sinabi na may relasyon sila.
Bago niya sinagot ang tungkol kay Julia, napag-usapan ang past relationship niya kay Bea, at sinabi na hindi niya ghinost ang actress, gaya ng sabi nito.
“Ano po ba yung definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin, nasa gitna kami ng dinner tapos nagdecide ako magwalk out and di magpapakita kahit kailan. Yun ba ang definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic – not saying na siya yung toxic or ako yung toxic, but being together yung very toxic, yung hindi nirerespeto yung explanation na binibigay mo, na hindi tinatanggap – after months and months and months of being on the rocks,” sey ng aktor.
“If yun yung ghosting, I’m guilty of one of those two. “Wala po akong ghinost (I didn’t ghost anyone).”
Tinanong ni Boy kung meron bang pag-uusap ng mag-break sila, sey ni Gerald na marami na sila conversations about it.
Hindi man publicly nagpo-post sina Julia at Gerald ng pictures together, maraming followers ang kinukumpara ang kanilang photos na laging magkaparehong location.