Gerald Anderson lodi ng mga kapwa celebrity

UMISKOR ng pogi points ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kapwa nito celebrity na mga kalalakihan dahil sa husay sa investment.

Nitong pandemya ay mukhang tinutukan ni Gerald ang ipinatayo nitong resort sa Zambales kaya almost ready na ito sa mga turista.

Sobrang ganda ng kanyang resort kaya napabilib ang mga kapwa nito celebrities.

Isa si Enchong Dee sa natuwa sa resort ni Gerald.

Maging sina Rayver Cruz at Troy Montero ay nag-congrats sa magandang investment ni Gerald.

“Hayati private resort.. almost ready.”

Ito ang caption ni Gerald sa pinasilip na private resort sa kanyang IG account.