Nagbabasakali si Gerald Anderson na patawarin siya ng ex-girlfriend Bea Alonzo sa kanilang failed relationship.
Sa virtual interview ni Boy Abunda with Init sa Magdamag stars Yam Concepcion, JM De Guzman at Gerald Anderson.
Naitanong kay Gerald kung mayroon ba siyang gustong ayusin sa past relationships.
“Oo naman, Tito Boy. Sana, kung puwede ko baguhin ‘yung nangyari. Kaso, ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes,” sagot ni Gerald.
Tinanong ni Boy kung willing ba siya mag-reach out kay Bea at new boyfriend nito na si Dominic Roque.
“More siguro kay Bea. I mean, wag na po siguro tayong mandamay ng ibang tao but I really pray sana, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang po ako,” sey niya.
Nagkaroon ng kontrobersya ang dating magkasintahan nang magpahiwatig si Bea tungkol sa infidelity ni Gerald.
Ang sinasabing dahilan ng hiwalayan nila ay ang present girlfriend ni Gerald na si Julia Baretto, ngunit itinanggi ng dalawa.
Marso ngayong taon inamin ni Julia at Gerald ang kanilang romantic relasyon.