Coronavirus-free na ang General Santos City matapos maka-recover ang kaisa-isang COVID-19 patient ng lungsod.
Pinauwi na ang 59-anyos na lalake nitong Sabado matapos itong magnegatibo na sa virus.
Binayaran ng Philippine Health Insurance Corporation, Inc. ang lahat ng gastos ng pasyente na umabot sa mahigit ₱700,000 sa General Santos Doctors Hospital.
Ayon kay Mayor Ronnel Rivera, nasa 98 pasyente pa rin ang under monitoring at posibleng may infection kaya total lockdown pa rin ang siyudad.