Sapaw na raw ang tinaguriang ‘tiktok’ king ng Pinas na si Gardo Versoza.
Napatunayan ito sa kumalat na video habang nagti-TikTok si Gardo kasama si Kathryn Bernardo.
Nangyari ang ‘TikTok’ dance ni Gardo kasama si Kathryn at nobyong si Daniel Padilla sa shooting ng ‘House Arrest of Us.’
Enjoy sa pagsasayaw sina Gardo at Kathryn nang sumulpot si Daniel na naka-heels pa na katulad ng pormahan ni Gardo pag nagti-Tiktok bago umindak ng bonggang-bongga.
Tuwang-tuwa ang mga netizens at maging mga celebrity na nakapanood ng video.
Dahil sa husay ni Daniel ay kinantiyawang mas magaling pala ito kay Gardo sa indakan.