Galing Vatican! Cardinal Tagle nagpositibo sa COVID-19

TINAMAAN ng COVID-19 si dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na siyang tumatayong Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Ang lagay ni Cardinal Tagle ay ibinahagi sa Facebook page ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

“BREAKING: Cardinal Luis Antonio Tagle tests positive for #coronavirus upon his arrival in Manila yesterday, Vatican News reported. He is asymptomatic and in quarantine,” ayon sa tweet mula sa Vatican News.

Ayon sa CBCP, na-test na positibo si Tagle pagdating niya galing Vatican noong Huwebes.

Ang 63 anyos na Cardinal ay asymptomatic at kasalukuyang nasa isolation.

Bumuhos naman ang panalangin sa Cardinal kasunod ng balitang nasapul ito ng COVID-19.