Gag order ni Calida puntirya ang ABS CBN celebrities

ABS-CBN gag orderNawindang ang mga talents ng ABS CBN sa inihaing gag order ni Solicitor General Jose Calida patungkol sa pag-renew ng prangkisa ng network.

Para kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang gag order ay sumasaklaw sa mga celebrity upang matigil na ang pagkokomento sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal.

“‘Pag gag order, naka-order ‘yan. Everybody is covered. They can always speak themselves, subject to the contempt power of the Supreme Court,” paliwanag ni Panelo sa inihaing gag order ni Calida.

Aniya sakaling tugunan ng Korte Suprema ang inihaing gag order ay hindi na maaaring magkomento ang mga celebrity patungkol sa franchise renewal.

Kaya naman kasunod ng inihaing gag order ay mas lumawak ang pambabatikos na inabot ng quo warranto petition ni Calida mula sa mga sumusuporta sa ABS-CBN.

Hindi naman sakop ng gag order ang mga mambabatas na magsasagawa ng pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaang tumakbo si Calida sa Supreme Court noong Martes upang maglabas ng gag order at maawat ang ABS-CBN at mga kinatawan nito na pag-usapan pa ang quo warranto case na inihain niya laban sa TV network dahil nakakaimpluwensiya umano ito sa public opinion at pre-judgment of the instant case.