Gabby Lopez nag-resign na sa ABS-CBN, 6 pang korporasyon

Nag-resign na bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Personal reasons ang sinabi ni Lopez na nagtulak sa kanyang resignasyon Maliban sa pagkalas bilang chairman emeritus at director ay bumitaw na rin si Lopez bilang director ng ABS-CBN Holdings Corp., Sky Vision Corp., Sky Cable Corp., First Philippine Holdings Corp., First Gen Corp., at Rockwell Land Corp..

Ang pagbibitiw ni Gabby ay kinumpirma sa isang press statement na nilabas nitong Setyembre 24, 2020 ng ABS-CBN kung saan ay nakasaad ang resignation ay “effective immediately.”

Nanghihinayang man ay tinanggap ng Board of Directors ng ABS-CBN Corp. ang pagbibitiw ni Lopez sa kanilang organizational meeting ngayong araw.

“We thank him for his dedication and leadership in expanding and transforming ABS-CBN beyond television through the years,” ayon pa sa board.

Papalitan si Lopez ni Atty. Mario Luza Bautista bilang director ng ABS-CBN.