Umabot na sa 10 million won o mahigit $8570.90 ang presyo ng limited edition “Air Force 1 Para-Noise” na collaboration shoes ng PEACEMINUSONE ni G-Dragon at ng Nike.
Ngayong buwan ni-release ang nasabing limited edition shoes at ipinagbibili sa halagang 219,000 won o $187.74, ngunit binili ng collectors at sneaker-heads ang 818 pairs na available lang para sa mga winners ng ‘Shock Draw’ raffle.
Kailangan sumali sa raffle at manalo para magkaroon ng chance na makabili ng “Air Force 1 Para-Noise”. Magiging available na worldwide ang nasabing sapatos sa November 23.