G-Dragon na-discharge na sa militar!

Tapos na ang mandatory military service ng BIGBANG leader na si G-Dragon.

Si G-Dragon ay na-discharge na sa serbisyo ngayong araw na ito, October 26 at sinalubong ito ng libu-libong fans sa Yongin, Gyeonggi Province.

“I’ve returned after completing my military service. Thank you for waiting for me and for coming to see me today. I will be returning to my original occupation, and I will work hard,” mensahe ni G-Dragon sa kanyang mga loyal supporters.

Kasama rin ang pamilya ni G-Dragon sa mga sumalubong sa kanyang paglabas.

Si G-Dragon, Kwon Ji-yong ang tunay na pangalan, 31, ay pumasok sa militar noong February 27 noong nakaraang taon at na-assign sa 3rd Infantry Division sa Gangwon Province. Matapos ang maikling pananalita, sumakay na sa kulay itim na van si G-Dragon.