Hindi lang isa kundi tatlong personalized sneakers ang binigay ni K-pop star G-Dragon kay Sandara Park.
Pumunta si Dara sa private fashion event ng shoe collaboration ni G-Dragon bilang suporta sa singer sa Seoul.
Sa Instagram post ni Dara, makikita ang picture nila ni G-Dragon na may caption na “Congratulations!”
Sa isang post naman ni Daram makikita ang personalized shoes na binigay ng rapper sa kanya.
Makikita ang “Dara” sa mismong sapatos at box nito.
“They say that if you keep something for too long, it will spoil. But I kept these so I could finally open them today! The half white, half yellow swooshes have a funny but sad story to them. So cute! Thanks Ji Yong (G-Dragon),” caption nito.
Si Sandara Park ay dating miyembro ng 2NE1 na minamage na parehong label ng grupo ni G-Dragon na Big Bang.