Hindi pa rin matapos ang issue tungkol kay Taylor Swift at Kanye West matapos mag-leak ang full video ng four-year-old clip conversation nilang dalawa.
Ang clip ay ipinakita noon ni Kim Kardashian para suportahan ang kanyang asawa tungkol sa ‘Famous’ song line na ipinaalam daw nito kay Taylor.
Ang rap line na “I feel like me and Taylor might still have sex, Why? I made that bitch famous.” ay itinanggi ni Taylor na pumayag siya dito.
Sa bagong video na nag-leak, nagpapatunay ito na hindi sinabi ni Kanye ang buong lyrics ng kanyang rap song.
Wala pang komento ang dalawang panig tungkol sa leak video na lumabas.