‘Frontliner’ dog ng Pasay viral

Frontliner dog PasayNatuwa ang mga netizen sa isang aso na tumutulong sa mga barangay officials na rumonda sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Binahagi ni volunteer worker Perlita Hermanos Saldo ang mga litrato ni ‘Wacky,’ ang aso na kasama ng mga barangay officials para mamigay ng reliefgoods sa Barangay 132 M. Dela Cruz, Pasay City.

Nakasuot din ito ng ID, na may buong pangalan na Wacky del Rosario, at isang barangay police dog.

Nakasuot din ito ng facemask.

Sa ngayon ay na-extend pa ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang May 15.