Handang palayain ni Frankie Pangilinan, anak ni former senator Francis Pangilinan at megastar Sharon Cuneta, ang 21 San Roque residents na nag-rally na walang permit nitong Miyerkoles, Abril 1.
Sa kanyang retweet, handang sponsoran ni Frankie ang bail ng isa sa mga residente Quezon City at ang kanyang mga magulang ang magbabayad sa nalalabing 20.
“I’ll sponsor one. please give the details,” ayon sa retweet nito sa post tungkol sa P15,000 bail ng mga nakulong.
Ang 21 residente ay nag-rally dahil sa kawalan ng pagkain sa gitna ng enhanced community quarantine dulot ng coronavirus pandemic.