Ano ba ang wish mo ngayong Pasko?
Tiyak isa riyan ay makauwi ng Pilipinas para makasama ang pamilya ngayong Pasko.
Hindi na ito imposiblem dahil magkakaloob ng ‘fly free’ sa pinapangarap na destinasyon ang budget carrier Air Asia sa kanilang pakontes para sa darating na Pasko.
Simple lang ng proseso, maglagay ng litrato sa inilagay na Christmas tree sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng Air Asia ang mapipili ay siyang tatanggap ng gantimpala.
“We hope everyone, especially our OFWs (overseas Filipino workers) will have the chance to fly home. That’s the reason why we continue to give affordable fares,”paliwanag ni AirAsia Philippines vice chair Sheila Romero.
Kaya naman inaanyayahan ng Air Asia ang lahat kabilang ang mga OFWs na magpakuha ng litrato sa Christmas Tree.
Maaring magpakuha ng larawan hanggang sa Disyembre 22 para magkaroon ng pagkakataong manalo ng dalawang round trip tickets na iaanunsyo sa nasabi ring petsa sa pamamagitan ng Facebook page ng AirAsia.
Sa mga interesado maari ring i-upload ang larawan sa Instagram account at lagyan ng caption kung bakit dapat silang dalhin ng AirAsia sa kanilang dream destination.