Finale performance ni Marcelito Pomoy, standing ovation

Pinabilib muli ng Pinoy contestant ng ‘American’s Got Talent: The Champions’ na si Marcelito Pomoy ang judges at audience sa kaniyang finale performance.

Umani ng papuri si Marcelito sa kaniyang pagkanta ng ‘Beauty and the Beast’ gamit ang kanyang dual-voice na babae at lalake.

Standing ovation ang natanggap ni Marcelito sa mga hurado ng AGT maliban kay Simon Cowell.

Nakakuha ng positibong komento kay Heidi Klum, Alesha Dixon and Howie Mandel ang performance habang ‘predictable’ umano ang kantang inawit ni Marcelito.

“The songs he’s chosen were very safe, they’re very kind of… I get it, they’re very popular songs but I just think on tonight, if he had done something out of his comfort zone, like a shock to everybody, ‘My God, he’s chosen that song,’ that could’ve given you another moment,” ang komento ni Simon.

Gayunpaman ay naniniwala pa rin ito sa husay ng mang-aawit.

Malalaman ang magwawagi sa February 10 (US time).