Filmmaker Peque Gallaga pumanaw na

Pumanaw na si veteran filmmaker Peque Gallaga sa komplikasyon nitong Huwebes.

Ayon sa Visayan Daily Star, namatay ang direktor sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.

Peque Gallaga Judy Ann Santos

Ilang showbiz personalities ang nagbigay ng kanilang tribute sa social media sa yumaong direktor.

Ilan na dito ay sina direk Joey Reyes, writer Lualhati Bautista at actress Judy Ann Santos.

“My dearest direk Peque… I will forever be grateful for the chance na nakatrabaho kita.. your passion for you craft is undeniable in so many ways.. your wisdom in many things, your honesty, professionalism, genuine love and kindness to everyone around you , your hugs and laughter i will miss the most,” caption ni Judy Anne sa kanyang Instagram post.

Ilan sa mga likha ng direktor ay ang Scorpio Nights (1982) at Oro, Plata, Mata (1985).