Filipino nurse naiwang patay sa London

Ang Pinoy nurse na naka-base sa London ay namatay mag-isa sa kanyang apartment habang naka-home quarantine dahil infected ito ng COVID-19.

Natagpuan ang kanyang bangkay ng mga pulis matapos makiusap ang kanyang pamangkin na tingnan ang kanyang tito na naninirahan mag-isa.

Si Donald Suelto ay nagtatrabaho sa National Health Service sa London at nahawaan ng isa sa mga pasyente na mayroong coronavirus.

Noong una araw ng isolation ni Suelto ay wala itong kinakitaan ng sintomas, ngunit sa ikalimang araw ay nagkaroon na ito ng sore throat.

Tinawagan niya ang kanyang manager noong April 5 ngunit sinabihan siya nito na tumawag sa London hotline NHS 111, kung saan maaaring makakuha ng agarang healthcare online.

Maaaring hindi nasagot ang tawag ni Duelto sa dami ng COVID-19-related calls.

Nitong April 7, nakitang walang buhay si Duelto ng mga pulis. Walang asawa at anak si Duelto at naiwan nito ang kanyang 77 taong gulang na ina sa Pilipinas.