Ang mga Pilipinong naninirahan sa United Arab Emirates (UAE) ay nagtala ng pinakamababang crime rate na inihayag ng mga awtoridad, ayon sa ulat ng FilipinoTimes.
Ang mababang crime rate ay indikasyon ng pagrespeto ng mga Pinoy sa batas ng nasabing bansa.
“Filipinos commit the least [number of] crimes here in the UAE,” saad ni Tenyente Kolonel Bader Al Neyadi sa isang Filipino community forum.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Bayanihan Council at ng Abu Dhabi Police, na ginanap sa Abu Dhabi Headquarters Auditorium na dinaluhan ng higit 100 community leaders.