Sa pagkumpirma ng unang kaso ng coronavirus sa bansa, nagdeklara ng walang pasok ang ilang Filipino-Chinese school sa Maynila.
Ilan sa mga nagsuspende ng klase ang mga sumusunod:
- Philippine Cultural College
- Uno High School
- Tiong Se Academy – class resumption to be announced
- St. Stephen’s High School
- Hope Christian High School
- Chiang Kai Shek College
- St. Jude Catholic School
Kinumpirma nitong Huwebes, na isang 38-anyos na babaeng Chinese galing Wuhan ang positibo sa coronavirus.
Dumating ang Chinese noong Enero 21 galing Hong Kong pa-Maynila