Fil-Korean actress sa ‘Birds of Prey’ proud Pinoy

Proud sa kanyang Pinoy roots ang Filipino-Korean actress Ella Jay Basco matapos gumanap na Cassandra Cain sa DC film na ‘Birds of Prey’.

 

“This movie is for you Philippines! My Grandpa is from Pangasinan and my Grandma is from Zambales,” tweet ni Ella.

Ginampanan ni Ella ang character na si Cassandra, na isang ulilang magnanakaw na magiging parte ng girl squad ni Harley Quinn.