Fil-Aussie pinakabatang bilyonaryo sa Australia

Si Fil-Aussie Melani Perkins ang pinakabatang bilyonaryo ngayon sa Australia.

Hindi lang yan, siya rin ang ikatlong pinakamayaman na babae sa nasabing bansa, sa edad na 32.

Si Melanie ang creator ng ‘Canva,’ isang graphic design and publishing tool na ginagamit ngayon sa buong mundo.

Dahil sa coronavirus pandemic, maramig ang nag-shift mag-work from home, kaya naman tumaas ang value ng Canva ng mahigit $60 million at may total value ng $6 billion.

Dumoble ang yaman ni Melanie ng maging $2.5 billion ang business worth ng Canva.

Nilikha ng Pinoy-Aussie ang graphic design solution technology noong 2014, kasama ang kanyang fiance Cliff Obrecht at Cameron Adams.

Sa ngayon ay nasa 30 million na ang gumagamit ng Canva sa buong mundo sa loob ng isang buwan.