Fil-Am model Kelsey Merritt Viva artist na

Isa na si Filipino-American model Kelsey Merritt sa talent ng Viva Artist Agency.

Nitong June 13, inanunsiyo ng management company ang kanilang bagong artist na kasama nina Sarah Geronimo, Vice Ganda at Anne Curtis.

Kelsey Merritt Viva Artist

Ang Viva ay isa lamang sa pinirmahan talent agency ni Kelsey. Mayroon pa itong ibang agencies sa London, Milan, New York at Los Angeles.

“So happy to share that I’m now represented by @vivaartistsagency in the Philippines!!” pagbabahagi ni Kelsey sa kanyang Instagram.

Si Kelsey ang kauna-unahang Pinay na nakasali sa Victoria’s Secret runway noong 2018.

Siya rin ang unang Pinoy na ma-featured sa American sports magazine na Sport Illustrated.