Inilabas na ang unang trailer ng bagong ‘Fast & Furious’ na ‘F9’ at pinakita ang mga nagbabalik at bagong karakter sa pelikula.
Isa sa mga bagong actor ng Fast & Furious installment ay ang wrestler na si John Cena, na gaganap bilang nakababatang kapatid ni Dom.
Ang fan-favorite character na si Han na ginampanan ni actor Sung Kang sa “The Fast and the Furious: Tokyo Drift” ay magbabalik para sa hustisya.
Inaasahang magpi-premiere ang movie sa May 2020.